Committees

Academics Commitee

Ikaw ba ay

  1. stressed na sa pag-aaral?
  2. nangangailangan ng mga tips kung paano mapapadali ang buhay estudyante?
  3. nerd ngunit kailangan pa rin ng pahinga mula sa walang katapusang pag-aaral upang makapagrelax at magsaya?
  4. lahat ng nabanggit?

Ano man ang sagot mo sa tanong na ito, ang ACADEMICS COMMITTEE ay narito upang tulungan ka! HINDI TUTOR ang mga Academes ngunit nakakatulong pa rin kami sa mga Gabayano sa pamamagitan ng mga proyektong maaaring magamit para sa academic enhancement ng mga ito. Ilan sa mga proyekto ng Acad ay Book at Sample Exams Lending (na parehong nakahain din sa mga hindi kasapi, at lalo na sa mga iskolars), Time Management Seminar, BBB Challenge, Film Showing, at Acad Trivia.

>>> more


Education Formation Committee

Radikal, kritikal at nag-iinit

Lango sa ideyalismo

Ngunit malay sa katotohanan.

Kami ang EDFORM.

Mga mamamayang pinagbuklod ng iisang adhikain:

Maimulat ang lipunan na, sa animo’y ‘di masupil na kadiliman

Upang tahakin ang landas tungo sa isang malayang bayang

Namumuhay sa kapayapaan, hustisya at ginhawa.

>>> more


Education Operations Committee

Bilang mga Gabayano, pinili nating tugunan ang tawag ng lipunan sa larangan ng edukasyon. Iisa lamang ito sa napakaraming tawag na dapat tugunan, subalit maliit man, may nagagawa rin! Nariyan ang EdOp para tiyakin ito. Ang komiteng ito ang nangangasiwa sa tutoring at scholarship program ng Gabay para sa mga mag-aaral na Grade 6 sa Project 3 at Balanti. Sa pamamagitan ng mga activities tulad ng Prepare, TKO, at Erya Processing, sinisikap ng mga super-dedicated na Edophiles na tulungan ang mga Gabayano na maging handa para sa pag-eerya at lubusang maunawaan ang kahalagahan nito. Bukod dito, patuloy ang EdOp sa paghahanap ng mga bagong paraan upang maging mas epektibo, masaya, at makabuluhan ang erya para sa lahat.

>>> more


Social Adjustment Committee

Ang SA Committee ang tagapangasiwa ng mga gawaing tumutulong sa pakikiangkop ng mga kasapi sa buhay-Ateneo-at-Gabay. Pangunahin sa mga gawaing ito ang pagpapakilala ng Angel Soul Scheme. Pinagpapareha rito ang mga bagong miyembro (soul) at ang mga lumang miyembro (angel) upang maging buddies sila at higit na mapadali ang pakikiangkop ng mga miyembro sa bago nilang kapaligiran. Ang SA Committee din ang nangangasiwa sa paggawa ng mga birthday thingies para sa mga miyembrong nagdiriwang ng kanilang kaarawan. Sila ang nangunguna sa pagpapasaya at pagbibigay tuwa sa mga aktibidad ng Gabay. Sa SA, Simpleng Alaga pero Super Aliw ang Gabayano.

>>> more


Spiritual Formation Committee

Ito ang komiteng nagpapa-alala sa halaga ng ispiritwal na buhay, isang matinding sandata sa pakikibaka, pagtataya, at sa mas malapit na pagsunod sa Kanya. Marami ka bang insights? Game makinig sa kaibigang problemado? Gustong mag-cheer-up at mag-inspire ng kapwa Gabayano? Magaling mangasiwa ng misa at retreat? Palaisip, mahilig mag-reflect, o kahit makuwento, basta may aral at sense! Understanding, optimistic, approachable, or Simply Faithful? Kung isa ka sa mga ito, o feel mo na tinatawag ka dito, aba Cherub ka ngang totoo!

>>> more