Semetral-End Status Report

Visit the NEWS Section of the web site to view the semestral status report on Gabay.

- - - - - -

Ateneo Gabay

Ang GABAY ay isang socially-oriented organization ng Unibersidad ng Ateneo de Manila. Ang Gabay ay ang tahanang organisasyon ng mga mahihirap ngunit matatalinong mag-aaral ng Ateneo: ang mga Iskolar. Bahagi ito ng Council of the Organizations of Ateneo (COA) at isa sa 43 accredited organizations ng taon.Dito, ang mga miyembro’y nagkakaroon ng pangkabuoang paghubog: tulong pang-akademiko, pagiging mulat sa sosyo-politikal na mga isyu, wastong pakikiangkop sa kultura ng Ateneo at mabuting relasyon kay Kristo.

Binibigyan din ng pagkakataong hubugin ang ibang talento ng mga miyembro: sayaw, kanta, pagsusulat, atbp. Bilang SOA org, ang mga Gabayano ay nagtuturo at tumutulong sa mga estudyante, sa mababa at pampublikong paaralan, na maging iskolar din.

Ang Gabay ay may malapit na kaugnayan sa Office of Admission and Aid at bukas din and pinto sa mga hindi iskolar. Ito lamang ang organisasyon sa Ateneo na hindi tumatanggap ng butaw o registration fee sa recruitment ng mga miyembro.

Ang Gabay ay kasalukuyang ipinagdiriwang ang ika-30 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito ngayong taon at kasalukuyang naghahanda para sa mga sorpresang paglilingkod at proyekto para sa komunidad ng Ateneo, mga iskolar, mga miyembro, mga alumni at mga taong higit na nangangailangan sa labas ng Ateneo.

Sa Gabay, nandito na lahat. Ang iyong kaibigan, kasama sa pagtataya, pamilya at tagapagpasaya ng iyong kaarawan. Andito ang iyong puso… at buhay. Buong-buo. Gabay.

GAGABAYAN KA NIYA

Music and Lyrics: Arturo Rodrigo

Arrangement: Manuel Francisco, SJ


Ika'y bata noon, naghahanap nagtatanong

Nangangambang tumugon, sa tawag ng Panginoon

na ang sarili'y limutin, ang kapwa'y mahalin

Manalig ka pagka't handa akong sumama


KORO 1:

Gagabayan kita.

Masugatan ka man,

Pagtubo'y sadyang ganyan.

Magtiwala ka't di ka pababayaan.


Sa pagtubo mo, 'di lubusang matatanto sa kapatirang ito,

Yaman ng sarili mo'y matatamasa

Sa kapwang binigyang halaga.

Isang tanda na may Amang kumakalinga.


KORO 2:

Gagabayan ka Niya.

Masugatan ka man,

Pagtubo'y sadyang ganyan.

Magtiwala ka't di ka pababayaan.


CODA:

Di ba't sa ating kapatiran,

Di mo maaaring kalimutan?

Ngunit kahit sa magkakaibigan,

Mayroon ding umaalis, mayro'ng naiiwan.


Sa paglisan mo,

Ihahandog ko sa 'yo, mga bakas na ito

Mga tanda ng ating pagtataya ng sarili, sa kapwa't sa mundo,

Huwag mangamba't aming diwa'y s'yang gabay.

Huwag mangamba't aming diwa'y s'yang gabay.

Huwag mangamba't aming diwa'y s'yang gabay mo.